Monday, May 01, 2017

Consuelo de bobo


Ano pa ba ang masasabi ko tungkol kay Hector?

Halos parang lahat ay nabuhos ko na. Lahat ng ligaya at luha ay nailathala na dito.

Kung gaano ako nahulog sa isang binatang may matinding pinagdaraan ngunit may katumbas na busilak ng kadalisayan na walang hanggan.


Yun ang anuman na akong hinahanap. Ngunit, nabigo ako.

Bakit di naman ako mabibigo? Isa syang, prinsipe. Isang poon na ibig sundan at alalayan ng aking puso. Isang binatang biniyayaan ng mukhang di man lang malilok ng pinakabihasang iskultor. Ngunit sinumpahan ng pusong walang lakas para sa mundong ito.

Ako naman tong si tanga. Bilang dakilang bobo, walang humpay na pumupulok ng bato, upang ipukpok ko lang sa sarili ko.

Bakit ko naman ba sya minahal? O kaya'y minahamal?

Walang sapat na katwiran. Edad. Estado sa buhay. Karanasan. Saang anggulo mo tignan, at paano mo pa sya pa iku-ikutin, parang malabo.

Ano pa nga pa ba ang magagawa natin?

Sa dinami-dami ng beses nyang sinabi sa akin ito, tila naging koro na sya ng pinakamalubhang awit ng pagkabigo.

Kahit gaano kasakit, hindi ko maikakaila na ang tanging dinadabog ng puso ko ay iniibig kong ibuhos ang buong pagkatao ko, upang mabigyan ng pagkakataon na ibigin sya.

Ngunit kung ako naman ay walang kwenta sa kanya, bakit pa nga ba?

Sinabi sya noon, kahit sino maaari nyang i-date.


Sinuman, ha? E di sinubukan ko.

Ngunit ako ay di man lang mabigyan ng pagkakataon.

Nahiya naman ako sa kanya. At sa sarili ko. Ang kapal naman ng mukha kong mangarap.

Ok lang kung sabihin nyang ayaw nya sa akin. Naiintindihan ko naman yun.

Ngunit kung ang sagot ay gusto nya, pero...ano pa bang magagawa natin?

Anak ng tipaklong naman o. Anong consuelo de bobo naman to?

Anong consuelo ang dapat kong maramdaman nang sabihin nya na gusto nya ako, ngunit...hindi?

Anong ginhawa ng kalooban? Anong paghihilom ng puso ang makakamit ng mga salitang yun?

Wala. Ang mga salitang yun ay hindi para sa akin, kundi upang mapanatag ang sarili nyang loob.


Ano pa nga ba ang masasabi ko tungkol kay Hector?

Wala na nga siguro, kung pag-iisipan.




Hindi.


Pumapalag pa rin ang puso ko. May libu-libong mga kwento na maaring pang maisulat. Awit na maikakanta.

Ngunit ang pumipigil ay hindi tadhana. Hindi kapansanan. Hindi kamatayan.

Kundi ang isang binatang sa ayaw ko man at gusto ko, ay hindi ko mabitawan.




2 comments:

pg slot 168 said...

pg slot 168 เป็นเกมแบบที่เล่นได้บนโทรศัพท์มือถือสบายใช้งานง่าย มีเกมสล็อตให้เล่นอยู่มากมายเยอะมากได้แก่ พีจีสล็อต สามารถใช้เป็นการพนันลงทุนเล่น เว็บไซต์สล็อตของการเล่นเกม

เครดิตฟรี said...

เครดิตฟรี เพียงสมัครเข้ามาเป็นสมาชิกที่เว็บไซต์ของพวกเราเพียงแค่นั้น pg รับฟรีไปเลยในทันที เอาไปใช้เล่นเกมได้จริง มีสิทธิ ลุ้นเครดิตฟรี ได้อีกทั้งสมาชิกเก่า และก็ สมาชิกใหม่